Simula umpisa palang. Sana hindi nalang ako nag online dati. Sana hindi nalang ako umuwi non o kaya sana natulog nalang ako non. Sana hindi ko nalang nawala English notebook ko non para hindi na ako nagtanong. Sana pagkahingi ko non hindi ko na inisipan ng iba pa yun. Sana nung hiningi ko un hindi ko na sinave lahat ng convos. Sana hindi ko na pinaabot ng umaga. Sana hindi nalang ako nakipag close. Sana hindi nalang ako nahulog.
Di sana hindi ako nagkakaganito. Di sana hindi ako umiiyak. Di sana hindi ako namomroblema kung pano ko haharapin ang bukas ng maayos ako, na hindi ako malungkot. Na hindi nila alam tuwing gabi namomroblema ako pano matutulog ng hindi ko kelangan mag isip ng pwedeng mangyari. Na hindi ko na kelangan umiyak bago matulog. Di sana hindi ako namromroblema sa iisipin ng tao sakin. Di sana wala ako dito ngayon, nasa ibang lugar ako kasama mga naging kaibigan ko dati nung High School, Di sana maayos pa ako, Di sana namromroblema lang ako na hindi ako tiningnan ng crush ko ngayong araw na to, Di sana wala akong kinikimkim lagi, Di sana hindi ako sobrang nasasaktan, Di sana hindi ako naghahanap ng affection galing sa ibang tao, Di sana hindi ko kinakailangan ng tulong ng ibang tao, Di sana hindi ako takot sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari, Di sana masayahin parin ako.
Ang sakit. Sobra sobra. Bumabalik lahat yung feeling nung unang heartbreak ko. Ansakit sobra. DOBLE. Bawat maliit na pagbabago sumasakit na parang unang heartbreak ko talaga. Siguro nasanay alng ako makita yung good side mo. Nakakainis yung feeling na yun lang pinakita mo. Naninibago tuloy ako. Pero wala eh.
Hindi ko na alam sunod nito. Pasensya na sa makakabasa nito. Hindi ko naman talaga ginustong hindi ko sya makilala kasi lesson narin siguro pala yun. Hehe. Mejjj mahinahon na ako kaya alam ko na sinasabi ko. Ansakit lang talaga lahat. Natatakot na ako harapin kung anu man sunod na mangyari, o makita ko. Kumbaga sa tulog ko na sleep paralysis, Natatakot ako harapin ulit pagtulog ko pero kelangan ko. Ajuajjuajuajaajuajauujujujujujujuju
Ansaket hooooooooooooooooooo..
No comments:
Post a Comment